Thursday, January 6, 2011

BUHAY at KULAY

ang buhay na puro puti
nakakasilaw
ang buhay na puro itim
nakakabulag
ang buhay na may itim at puti
nagsasalita
ang buhay na may itim at puti at pula
nagpapaliwanag
at buhay na may itim at puti at pula at asul at dilaw
nagsasalaysay
ang buhay na may puro kulay at nakawadra
gumagalaw ngunit hanggang doon na lang

subalit
ang buhay na kakaunti  ang kulay at di nakakwadra
marami pang gusto patunayan.

1 comment: